in

Alden Richards, excited na sa gagawing pelikula kasama si Bea Alonzo

Natupad na sa wakas ang pangarap ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards na gumanap sa isang K-drama remake dahil kumpirmado nang magiging bahagi siya ng upcoming movie na hango sa Japanese drama na ‘Pure Soul.’ May Korean adaptation din ito noong 2004 na pinamagatang ‘A Moment to Remember.’

Sa pelikulang co-produced ng Viva Films, GMA Pictures, at APT Entertainment, makakapareha ni Alden si Bea Alonzo na minsan na niyang nakatrabaho sa isang shampoo commercial.

Mixed emotions daw ang nararamdaman ng Kapuso actor dahil nagsisimula na ang kanilang paghahanda para sa pelikula.

“Wala akong natututunan kung laging dun lang ako sa comfortable roles pero ngayon after ko siyang basahin, masaya ako na mas lamang ‘yung kaba kasi hindi biro ‘yung role,” aniya.

Excited na rin si Alden na finally ay makakatrabaho na niya si Bea. Kuwento niya, “Gusto ko siyang maka-work sana sa movie kasi nasubaybayan ko halos lahat ng movies nila ni John Lloyd Cruz.”

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Julie Anne San Jose, puring-puri ni David Licauco

Cast ng ‘First Yaya,’ naging close agad sa isa’t isa