in

Julie Anne San Jose, puring-puri ni David Licauco

Kinilig ang shippers ng #JulieVid tandem sa naging pahayag ng Kapuso hunk na si David Licauco tungkol sa kaniyang leading lady sa upcoming GTV series na ‘Heartful Cafe’ na si Asia’s Pop Diva Julie Anne San Jose.

Sa naganap na Kapuso Brigade Zoomustahan, na-curious ang fans sa kung ano ang masasabi ni David ngayon na nagkakasama na silang dalawa sa mga eksena.

Pagbabahagi niya, hangang-hanga raw siya sa work ethic ni Julie sa set, “She’s very nice. As we all know maganda naman talaga si Julie and she’s very talented. But ang pinakahinangaan ko sa kanya is ‘yung mood n’ya at 8 a.m. is not different from ‘yung mood n’ya sa last scene. I think that says a lot about her na masipag talaga siya at gusto niya ‘yung ginagawa n’ya. Sinabi ko nga sa kanya ‘yun, e. Na parang ang galing at ‘di ko siya nakita ever na sumimangot.”

Kalat na sa social media ang mga behind-the-scenes photos ng ‘Heartful Cafe’ at hindi talaga maikakaila ang kanilang chemistry. Kaya naman, todo abang na sila sa nalalapit na paglabas nito sa GTV!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Fil-Am singer na si Nicole Scherzinger, inawit ang ‘Pangako’ para sa ‘Kaibigan’ album ni Troy Laureta

Alden Richards, excited na sa gagawing pelikula kasama si Bea Alonzo