in

Action-Drama Queen Angel Locsin, papalitan ng Queen of Pinoy Soap Opera Judy Ann Santos

It’s queen to another queen!

Balitang-balita na ang teleserye comeback ni Judy Ann Santos after 6 years ang nakatakdang pumalit sa timeslot ng ‘The General’s Daughter’ ni Angel Locsin.

Sa halos 9 months sa second timeslot ng Primetime Bida, maraming napatunayan ang ‘The General’s Daughter.’ Isa na diyan ang magawang makakuha ng mas mataas na ratings ang teleserye ni Angel ng higit na mas mataas kumpara sa first timeslot na hawak ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ ni Coco Martin. Hindi lang sa Kantar Media, ilang beses ding number 1 ang ‘The General’s Daughter’ sa NUTAM kung saan subscriber ang GMA Network.