in

Kissing scene nina Jennylyn Mercado at Rhian Ramos, ginulat ang viewers!

Nagulantang ang viewers ng GMA drama anthology na ‘I Can See You: Truly. Madly. Deadly.’ sa hindi inaasahang kissing scene ng lead stars na sina Jennylyn Mercado at Rhian Ramos.

Isa ang kissing scene sa pagitan ng dalawang Kapuso actress sa mga dahilan kung bakit trending at usap-usapan ang pilot episode ng naturang serye nitong Lunes.

Biro pa ni Rhian sa isang tweet, “Hi. Nakiss ko na si Miss Jennylyn Mercado. Surprise!”

Umani naman ng positive feedback sa viewers ang unexpected kissing scene ng dalawa, “Grabe ang bilis ng pangyayari! You really kissed her OMG… na-surprise kami dun.”

Ikinatuwa rin ng viewers ang naiibang kwento ng serye na may halong romance at mystery, “Nakakatuwa ‘yung pacing. Not a single boring scene. Just when you thought you saw everything in the teasers, ang dami pa palang pasabog. Make this a full-length series, please. Congrats to the team!”

Kasama rin nina Jennylyn at Rhian sa ‘I Can See You: Truly. Madly. Deadly.’ sina Dennis Trillo, Jhoana Marie Tan, and with the special participation of Ruby Rodriguez. Mapapanood ‘yan tuwing gabi, 9:15PM, hanggang ngayong Biyernes (Oktubre 23) sa GMA Telebabad.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Jillian Ward, ipinakita ang lock-in taping ng ‘Prima Donnas’

Rocco Nacino at Melissa Gohing, enjoy sa pag-aalaga ng halaman