in

Paolo Contis, palaging may baon na pagkain para sa co-stars

Sa recent interview ng cast ng “I Can See You: The Promise,” nakuwento ni Yasmien Kurdi na magaan katrabaho si Paolo Contis.

Aniya, “Si Kuya Pao, sobrang gaan katrabaho dahil pinapa-lighten niya ‘yung mood ng lahat ng tao sa set including ‘yung production staff.”

Binuking naman ni Andrea Torres na lagi raw may baon sa set si Paolo para sa kanila, “Tsaka maraming dalang pagkain ‘yan!”

Natatawang sagot ni Paolo, “Totoo, bilang kuya ng lahat. Kasi naranasan ko ‘yun dati, ‘yung mga kuya ko sa set, most of the time they take it upon themselves to lead the set kaya masaya lahat. Ngayon na ako na ‘yung kuya nila, ganun din. May food ako and I check in on everyone kapag pwede.”

Napapanood ang “I Can See You: The Promise” tuwing 9:15 p.m. hanggang October 9 sa GMA Telebabad. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Magpakailanman,’ bagong episodes ang hatid ngayong Oktubre

Netizens, na-intriga sa bagong love team ng Kapuso Network