in

Paolo Contis, paano nakuha ang loob ng anak ni LJ Reyes na si Aki?

“’Yung mga games, magpatalo ka lang nang magpatalo.” Iyan ang ibinunyag ni All-Out Sundays star Paolo Contis kung paano niya nakuha ang loob ni Aki na panganay na anak ni LJ Reyes. 

Aniya, mahabang proseso raw ito na hindi dapat ipilit o madaliin. “Kasi to begin with, it is a process. Hindi siya puwedeng i-fake, hindi siya puwedeng i-fake care, i-fake love. Hindi puwedeng ipipilit na, ‘Oy, respetuhin mo ko a, boyfriend ako ng mommy mo.’ Hindi puwede mangyari ‘yun. Uunti-untiin mo ‘yun,” pagbabahagi ni Paolo. 

Dagdag pa ng Kapuso actor, hindi rin daw sa pagbibigay ng materyal na bagay nakukuha ang loob at respeto ng bata. “Ako, masasabi ko na, we’re on that stage na ni Aki na mayroon kaming respect for each other, love for each other. It takes time.” Kasalukuyang napapanood si Paolo sa online show na ‘All-Out Sundays: The Stay Home Party’ na mapapanood na rin sa telebisyon simula ngayong Linggo (July 12) at 12:45 PM, sa Kapuso Network.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Super Tekla, emosyonal nang muling makaharap si Kuya Wil

Willie Revillame, nagbigay ng tulong sa 15 dialysis patients