in

Super Tekla, emosyonal nang muling makaharap si Kuya Wil

Matapos ang mahabang panahon na hindi sila nagkakausap, halu-halong emosyon ang sumalubong sa muling paghaharap nina Wowowin host Willie Revillame at Super Tekla. 

Bumisita si Tekla sa Wowowin sa imbitasyon ni Kuya Wil nang malaman niyang may pagsubok na pinagdadaanan ngayon ang pamilya nito. Nangako si Kuya Wil na tutulungan ang komedyante para maipagamot ang bagong silang na anak na si Baby Angelo.

Emosyonal ang naging pag-uusap ng dalawa, at aminado raw si Tekla na sa una ay nahiya pa siyang lumapit kay Kuya Wil, “Alam mo Kuya, nag-aalangan ako. Pero nanaig pa rin sa akin, ‘Hindi, tutulungan ako ni Kuya Wil. Pagsasabihan ako nun, pero alam ko ang puso nun. Kumbaga, saksi ako noon, Kuya, e, kahit tahimik lang ako noon sa Wowowin.”

Sa pagpapatawaran nila, pinaalalahanan din ni Willie si Tekla, “Anyway, ang importante ‘yung pagpapakumbaba. ‘Wag kang mag-alala, tutulungan kita. Ipagdasal mo na sana lumaban ‘yung bata, ‘di ba?”

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

‘All-Out Sundays,’ balik-telebisyon ngayong Linggo!

Paolo Contis, paano nakuha ang loob ng anak ni LJ Reyes na si Aki?