in

Abs nina Sanya Lopez at Kylie Padilla sa ‘Encantadia,’ paano nga ba maa-achieve?

Sa muling pagbabalik ng ‘Encantadia’ sa GMA-7, maraming fans ang nahuhumaling sa ganda ng pangangatawan ng mga bida rito tulad na lamang nina Kylie Padilla at Sanya Lopez na gumaganap bilang sina Sang’gre Amihan at Sang’gre Danaya.

Ani ni Kylie sa kanilang panayam sa Pinoy MD, importante para sa kanya ang pagkain ng mga masusustansyang pagkain tulad ng fish at fruits.

“Alam n’yo namang ‘di puwedeng tumaba ang mga Sang’gre so ever since nag-start ang Encantadia, more on fruits ako and more of protein. Tinanggal ko na ‘yung kanin and ‘pag kaya ‘di ako kakain after six para flat ang tiyan,” saad ni Kylie.

Para naman kay Sanya, nakatulong ang kamote diet para mag-lose ng unnecessary fat, “Maganda naman talaga ‘yung kamote diet pero kinakain ko siya as snacks.”

Dahil tigil muna sa taping ang mga serye, muling napapanood ang Encantadia sa timeslot ng Descendants of the Sun sa GMA Telebabad.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Mikael Daez, ibinahagi ang vlog ng unang international trip nila ni Megan Young

Tips para sa makinis na kutis, ibinahagi ni Barbie Forteza!