Naihain na sa amin ang desisyon ng Movie and Television Review and Classification Board na itinanggi ang aming Motion for Reconsideration para sa programang “It’s Showtime” at pinag-aaralan namin ang aming options.
Samantala, habang hindi pa final at executory ang ipinataw na suspensyon, nais naming ipaalam sa aming viewers na patuloy pa rin nilang mapapanood ang “It’s Showtime” sa Kapamilya Channel, A2Z, at GTV. Pwede rin itong mapanood sa Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC.
Buong puso kaming nagpapasalamat sa lahat ng nagmamahal, sumusuporta, at nanonood ng aming programa. Patuloy kaming maghahatid ng saya at inspirasyon sa aming minamahal na Madlang People.