in

Abangan ang DonBelle, at ang cast ng ‘Cant Buy Me Love’ ngayong Linggo sa ‘ASAP Natin ‘To’

Bilang selebrasyon sa teleserye debut ng phenomenal love team nina Donny Pangilinan at Belle Mariano sa “Can’t Buy Me Love,” itotodo nila ang kilig sa kanilang duet performance na sasabayan din ng get-together ng co-stars nilang sina Maris Racal, Kaila Estrada, Darren, Albie Casiño, Chie Filomeno, Enzo Pineda, Vivoree, Karina Bautista, Anthony Jennings, Alora Sasam, Rowell Santiago, Agot Isidro, Ruffa Gutierrez, Ketchup Eusebio, Ina Raymundo, at Nova Villa.

Pasiglahin pa lalo ang inyong weekend sa hatid na all-star concert experience ng inyong ASAP Kapamilya, tampok ang pakilig ng DonBelle kasama ang cast ng “Can’t Buy Me Love,” at marami pang iba ngayong Linggo (Oktubre 15) sa “ASAP Natin ‘To” sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Bilang selebrasyon sa teleserye debut ng phenomenal love team nina Donny Pangilinan at Belle Mariano sa “Can’t Buy Me Love,” itotodo nila ang kilig sa kanilang duet performance na sasabayan din ng get-together ng co-stars nilang sina Maris Racal, Kaila Estrada, Darren, Albie Casiño, Chie Filomeno, Enzo Pineda, Vivoree, Karina Bautista, Anthony Jennings, Alora Sasam, Rowell Santiago, Agot Isidro, Ruffa Gutierrez, Ketchup Eusebio, Ina Raymundo, at Nova Villa.

Todo-todo rin ang rakrakan sa Rocktoberfest party nina Zsa Zsa Padilla, Ogie Alcasid, at Regine Velasquez kasama ang Six Part Invention, pati sina Fana, Jeremy G, Jameson Blake, Jin Macapagal, Edward Barber at ang inyong ASAP Kapamilya with Robi Domingo at Janine Gutierrez.

Mag-aapoy rin ang dancefloor sa “Clash Dance” tapatan ng “Nag-Aapoy na Damdamin” leading ladies na sina Jane Oineza at Ria Atayde. Hindi rin pahuhuli sa sayawan si Gela Atayde kasama sina Jeremy G, Jameson, Jin, at Edward.

Total kantahan at hatawan din ang hatid nina Darren at BGYO, na susundan ng fresh performance ng trending artist na si Maki pati ang ‘Reginified’ pasabog ni Asia’s Songbird Regine Velasquez.

Abangan din ang Ariel Rivera hits medley tapatan nina Klarisse de Guzman, Jona, Jed Madela, Kyla, Sheryn Regis, Bituin Escalante, Frenchie Dy, Elha Nympha, JM Yosures, Khimo Gumatay, Sheena Belarmino, at Lyka Estrella.

At huwag palampasin ang bigating love songs biritan nina Gary Valenciano, Zsa Zsa, Nina, Kyla, Jed, Jona, Ogie, at Regine sa “The Greatest Showdown.”

Pakatutukan ang lahat ng ito mula sa longest-running at award-winning musical variety show sa bansa, “ASAP Natin ‘To,” sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Pahayag ng ABS-CBN sa desisyon ng MTRCB sa ‘It’s Showtime’

World-Class Pinoy Performances Sa ‘ASAP Natin ‘To In Milan’ Mapapanood na Ngayong Linggo