in

Dating empleyado ng bangko na negosyante na ngayon, ibabahagi ang kwento ng buhay sa ‘My Puhunan’

Karen Davila at Migs Bustos, itatampok ang mas maraming pang nakaka-inspire na kwento

Ibabahagi ni Alex Bundang, isang dating empleyado sa bangko, ang kanyang pinagdaanan upang makapagpatayo ng kanyang negosyong remittance at payment franchise sa “My Puhunan” ngayong Linggo (Setyembre 10).

Bilang isang empleyado sa bangko, nakakuha si Alex ng magandang suweldo at benepisyo, ngunit hindi nawala sa pangarap niya na maging isang negosyante. Ngayon, matagumpay na siyang franchisee ng ExpressPay, isang remittance at payment service franchising company kung saan kumikita siya ng mahigit P80,000 kada buwan.

Makakasama rin nina Karen Davila at Migs Bustos si Joemel Calma na dating isang aspiring fashion designer na natulungan ng “My Puhunan.” Ngayon ay may sariling fashion boutique at bahay na si Joemel sa Laguna.

Itatampok din ng “My Puhunan” ang Ninety-Nine Private Resorts and Villas ni Polsan Pangindian, na may bagong konsepto na ‘Build, Earn, Sell & Repeat’, kung saan maaaring mag-invest dito sa pamamagitan ng paggamit ng ‘co-partnership’ business model.

Huwag palampasin ang mga nakakatuwang kwento ng tagumpay sa “My Puhunan: Kaya Mo!” kasama sina Karen Davila at Migs Bustos tuwing Linggo simula 9:30 am sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, news.abs-cbn.com/live, at iba pang ABS-CBN News online platforms.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Tapatan ng ‘Nag-aapoy na Damdamin’ stars na sina Jane Oineza, JC de Vera, Ria Atayde at Tony Labrusca

Gello Marquez, may debut album na