in

Tapatan ng ‘Nag-aapoy na Damdamin’ stars na sina Jane Oineza, JC de Vera, Ria Atayde at Tony Labrusca

Claire nasa palaban era na!

Lalong nag-iinit ang panghapong teleserye na “Nag-Aapoy Na Damdamin” dahil sa nalalapit na paghaharap ng mga bida nitong sina Jane Oineza (Olivia/ Claire), JC De Vera (Philip), Ria Atayde (Melinda), at Tony Labrusca (Lucas) kung saan unang masisilayan ni Lucas si Claire bilang asawa na ngayon ng mortal niyang kaaway na si Philip.

“Pa-intense pa nang pa-intense. Ito na yung tapatan talaga naming apat. Nandiyan na yung sagad na gantihan,” pagbabahagi ni Jane.

Kwento rin ng Kapamilya actress, bagamat naging mabuti siyang asawa ni Philip, handa na siya ngayong gawin ang lahat para manumbalik ang kanyang alaala kahit pa itago niya ito sa asawa. Aniya, “Lalabas na unti-unti yung alaala ko. Lalabas na rin yung pagiging palaban ni Claire as a person.”

Guguho naman ang relasyon ng mag-asawang Buencamino dahil sa mangyayari na ang pinaka-kinakatakutan ni Melinda.

“Ayun na nga, ito na nga yung pinaka-ayaw na mangyari ni Melinda so nandito na tayo. So ngayon, Melinda will try to do whatever she can para ma-preserve yung marriage nila ni Lucas,” kwento ni Ria.

Para kay Tony, panibagong paghihirap ang haharapin ng kanyang karakter bilang Lucas sa pagkikita nila ni Claire.

“Mawawala na naman si Lucas sa sarili niya kahit ayaw rin naman niyang sadyang saktan si Melinda,” saad ni Tony.

Sa bagong kabanata ng teleserye, maiipit naman si Philip sa dalawang mahalagang bagay sa buhay niya ayon kay JC.

“Sa lahat ng paghihiganting ginagawa ko ngayon, nakaramdam ako ng sobra-sobrang pagmamahal kay Claire na hindi ko na alam kung ano ba ang uunahin ko, revenge pa rin sa mga Buencamino o ipagpatuloy ang pagmamahal kay Claire. Si Philip ngayon caught up in the middle siya,” paliwanag ni JC.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Kathryn Bernardo, Dolly de Leon at cast ng ‘A Very Good Girl,’ magpapatalbugan sa ‘ASAP Natin ‘To’

Dating empleyado ng bangko na negosyante na ngayon, ibabahagi ang kwento ng buhay sa ‘My Puhunan’