Certified Kapamilya at MLD artists na ang HORI7ON sa patuloy na pagsasanib-puwersa ng ABS-CBN at management company na MLD Entertainment na magkasamang mamamahala sa magiging karera ng grupo sa Pilipinas at Korea matapos maganap ang contract signing ng dalawang kumpanya noong Biyernes (Marso 9).
Naglabas ang grupo ng kanilang pre-debut teaser ng music video na “Dash,” na kinompose ng Korean mentor nila sa show na si Bull$eye.
Binubuo ang HORI7ON nina Jeromy Batac, Marcus Cabais, Kyler Chua, Vinci Malizon, Reyster Yton, Kim Ng, at Winston Pineda matapos silang hirangin bilang ‘Dream 7’ ng kauna-unahang idol survival show ng bansa na “Dream Maker.”
Mas makikilala naman ng viewers ang HORI7ON sa kanilang guestings sa iba’t ibang shows tulad ng “I Can See Your Voice” at “Tropang LOL.”
Samantala bago sila lumipad patungong South Korea, inanunsyo rin ang patuloy nilang pag-iikot sa bansa hanggang Abril. Abangan ang grupo sa Nueva Ecija, Laguna, Cavite, Koronadal, Gensan, at Zamboanga.
Kasama sa contract signing sina Star Magic and Entertainment Production head Laurenti Dyogi, business unit headsna sina Reily Santiago at Marcus Vinuya, at CEO ng MLD Entertainment na si Lee Hyoungjin.
Matatandaan na noong nakaraang taon lamang nagsimula ang journey ng grupo sa kanilang pag-audition sa “Dream Maker.” Mula sa mahigit 60 na contestants, silang pito ang pinili ng sambayanan matapos makita ang kanilang pinagdaanan at mga improvements sa kanilang mga misyon at challenge sa tulong ng Pinoy at Korean Mentors na sina Angeline Quinto, Darren Espanto, Bailey May, Thunder, Bae Wan Hee, Bull$eye, at Bae Yoon Jung.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa HORI7ON, ifollow ang @HORI7ONofficial sa Facebook, Instagram, Twitter, YouTube, at Tiktok.