in

Krystal Brimner magpapaindak sa kanyang debut single na ‘Let Me Be Me’

Hatid ng young-actress singer na si Krystal Brimner ang tapang at pagkasabik ng mga kabataan sa karanasan sa kanyang debut single na “Let Me Be Me.”

Hatid ng young-actress singer na si Krystal Brimner ang tapang at pagkasabik ng mga kabataan sa karanasan sa kanyang debut single na “Let Me Be Me.”

Nakilala bilang bida sa 2016 musical na “Annie,” ang 15-anyos na si Krystal ay isa sa mga miyembro ng dating sing and dance trio na Just A.S.K. na napapanood sa “ASAP Natin ‘To” kasama sina AC Bonifacio at Sheena Belarmino.

Ngayon, sinimulan na ni Krystal ang kanyang recording career sa pop-dance song na “Let Me Be Me,” kung saan tampok ang pagnanais ng Gen Z, ang henerasyong kinabibilangan niya, na maging malaya at matapang sa pagharap sa iba’t ibang karanasan at matuto rito.

Ang fellow Kapamilya artist na si Trisha Denise ang sumulat at naglapat ng musika sa “Let Me Be Me” habang si Star Pop head Rox Santos naman ang nagprodyus nito.

Sinimulan ni Krystal ang kanyang karera sa showbiz sa pelikulang “Honor Thy Father” kung saan kinilala siya bilang Best Child Performer sa Metro Manila Film Festival 2015. Pagdating sa musika, itinuturing niyang inspirasyon sina Olivia Rodrigo, Sabrina Carpenter, at Ariana Grande.

Ngayong taon, nakatakda ring ilunsad ng Filipina-Scottish talent ang kanyang “Let Me Be Me” debut EP sa ilalim ng Star Pop.

Mapapakinggan na sa digital streaming platforms ang “Let Me Be Me” ni Krystal. Para sa iba pang detalye, sundan ang Star Pop sa Facebook (www.facebook.com/starpopph) at sa Twitter at Instagram (@starpopph).

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Vice Ganda, Gary Valenciano, Regine Velasquez dumalo sa birthday rally ni VP Leni Robredo!

Angela Ken ibabalik ang mga ‘Dagdag Na Alaala’ ng kanyang Buhay High School