in

KDLex hatid ang sariling kwento sa mga kantang ‘Misteryo’ at ‘When I See You Again’

Tuloy-tuloy ang pagpapakilig ng breakout loveteam ng taon na kinabibilangan nina KD Estrada at Alexa Ilacad sa kanilang back-to-back song collaborations na “Misteryo” na tila tungkol sa kanilang kakaibang koneksyon at When I See You Again na naglalahad ng kwento ng pinagsamahan nila at positibong pagtingin sa hinaharap.

Pinerform ng phenomenal tandem at dating celebrity housemates ng “Pinoy Big Brother Kumunity Season 10” ang dalawang bagong kanta sa matagumpay na “Closer: The KDLex FanCon.”

Pinasalamatan ni Alexa ang kanilang fans na tinatawag na Sweethearts sa naging mainit na pagtanggap sa “Misteryo” na may 500,000 combined views na sa YouTube para sa lyric at performance videos nito at higit sa 170,000 plays sa Spotify. Ang Kapamilya singer-actress mismo ang sumulat ng “Misteryo” na nilagyan ng additional lyrics ni Eunice Jorge na siya namang nag-areglo at nagprodyus ng kanta.

Ani Alexa, “As the composer of this song, it warms my heart to see you all loving ‘Misteryo.’ This song has a very special place in my heart and I’m happy I get to share it with you all.”

Tungkol ang “Misteryo” sa dalawang nagmamahal na hindi makapaniwala na naging napakadali ng pag-ibig para sa kanila. May pop at upbeat elements ang love song na ito na nagbibigay-buhay sa sweet lyrics at melody ng kanta.

Nagsama rin ang KDLex tandem para sa kantang “When I See You Again” na sila mismo ang sumulat tungkol sa pinagdaanan nila ng magkasama sa loob ng Bahay ni Kuya at hiling para sa isa’t isa para sa kinabukasan. Prinodyus naman ito ni ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo at kasalukuyang naririnig bilang eviction song sa “PBB Kumunity Season 10.”

Meron nang higit sa 160,000 plays ang kanta sa Spotify habang ang lyric video nito ay may higit sa 300,000 views na sa YouTube sa kasalukuyan.

Bukod sa paggawa ng musika, magsasama rin ang KDLex sa kaka-anunsyo lang na seryeng pinamagatang “Run To Me.” Mapapanood din si KD sa nalalapit nang ipalabas na “Bola Bola,” isang iWantTFC Original na pinagbibidahan ni Francine Diaz.

Pakinggan ang mga awiting “Misteryo” at “When I See You Again” ng KDLex sa digital platforms. Para sa iba pang detalye, sundan ang Star Pop sa Facebook (www.facebook.com/starpopph) at sa Twitter at Instagram (@starpopph).

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

BINI at BGYO, nagpasiklab sa Uplive Worldstage Grand Finals

Alexa Ilacad, unang covergirl ng digital video magazine ng Star Magic