in

The Company handog ang dalawang kwento ng pag-ibig ngayong Valentines

Dalawang love songs ang inilabas ng premier vocal harmony act na The CompanY ngayong Valentine’s Day, ang “Sa May Bintana” at “Walang Sayang” na dadalhin ang listeners sa magkaibang kwento ng pag-ibig.

Mula sa komposisyon ng National Artist for Music na si Ryan Cayabyab ang “Sa May Bintana” na tungkol sa kilig at kaba na nararamdaman ng isang umiibig. Hatid ni Annie Quintos ang lead vocals para sa bagong awitin.

Samantala, tungkol naman ang “Walang Sayang” sa pagtanggap na meron ng bagong minamahal ang dating karelasyon at pag-amin na wala siyang pagsisisi sa naging pinagsamahan nila. Si OJ Mariano naman ang lead vocalist ng kanta.

Si Moy at ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo ang nagprodyus ng dalawang bagong handog ng The CompanY.

Kasunod nito, nakatakda nang maglabas ng album sa Marso ang grupo na kinabibilangan nina Sweet Plantado (soprano), Annie (soprano/alto), OJ (tenor), at Moy (tenor2/bass). Kasama ang “Sa May Bintana” at “Walang Sayang” sa mga awitin nito.

Nagsimula noong 1985 sa industriya ang The CompanY na itinuturing na most awarded vocal recording group na nakapaglabas na ng 28 studio albums at ilang digital singles. Noong 2021, inilunsad din nila ang retro-disco tune na “Disco Plantito, Disco Plantita,” isang masayang awitin tungkol sa gardening.

Mapapakinggan na ang “Sa May Bintana” at “Walang Sayang” ng The CompanY sa iba’t ibang music streaming platforms. Para sa iba pang detalye, i-like ang Star Music sa Facebook (www.facebook.com/starmusicph) at sundan ito sa Twitter at Instagram (@StarMusicPH).

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Mag-ex na nagkita ulit, bida sa bagong kanta ng Kiss N Tell

Trisha Denise, Angela Ken, Zion Aguirre, at Bini, ‘di nagpahuli sa viral TikTok trend na ‘Every Summertime’