in ,

Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, may regalo ngayong Pasko na mapapanood sa KTX.PH

Magsasama sa unang pagkakataon sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo-Guidicelli sa isang Christmas digital concert na pinamagatang “Christmas with the Gs” na mapapanood sa KTX.PH sa Disyembre 18 (Sabado), 8 pm.

Matapos ang successful “Tala” film concert niya noong Marso, isang maagang pamasko ang handog ng Popstar Royalty sa kanyang pag-apak muli sa concert stage kasama ang asawa.

Ilan sa mga paboritong foreign at Tagalog Christmas songs ng Pinoy tulad ng”Jingle Bells,” “O Holy Night,” “Ang Pasko ay Sumapit,” at “Sana Ngayong Pasko” ang kakantahin ng power couple.

Makakasama naman nila sa Christmas concert sina Jose Mari Chan at angaward-winning acapella group na Acapellago.

Maaari ding makasama ng fans online sina Matteo at Sarah sa online meet and greet kung bibili sila ng VIP tickets sa halagang P2,500. Sa mga gusto naman panoorin lang ang concert, available ang regular tickets sa halagang P1,500.

Bukod sa “Christmas with the Gs,” panoorin din ang WWF’s fundraising concert na “Holiday Serenade” sa Dis.17 (Biyernes), ang concert ni Basil Valdez na “Sundin ang Loob Mo” sa Dis. 18 (Sabado) hanggang 19 (Linggo), ang Christmas pasabog ni Kuh Ledesma na “Kulh Hits + More” sa Dis.25 (Sabado) hanggang Dis. 26 (Linggo),” ang “The Christmas Roadtrip” ng The Company sa Dis.25 (Sabado) hangang Dis. 26 (Linggo), “2022 Feng Shui Forecast” ni Marites Allen sa Dis.26 (Linggo), ang “The Grand Countdown to 2022” ng Resorts World Manila kasama ang Aegis at The Dawn sa Dis. 31 (Biyernes), at “Tatak Thyro” sa Dis.31 (Biyernes).

Sa mga gustong bumili ng ticket at sa mga naghahanap ng karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.ktx.ph. Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin angwww.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Troy Laureta naglabas ng ‘Giliw’ album tampok sina Deborax Cox, Ruben Studdard, All-4-One atbp

ABS-CBN Christmas Special na handog sa mga Bagong Bayani ng Bayan, kasado na sa Disyembre 18