in

ABS-CBN Music, nag-uwi ng 16 Tropeo sa 12th PMPC Star Awards for Music

Kitang-kita ang resulta ng pagpupursige ng ABS-CBN na suportahan ang talento ng Pilipino sa musika sa 12th PMPC Star Awards for Music kung saan 16 na tropeo ang napunta sa mga album, awitin, o artist mula sa record labels ng ABS-CBN Music.

Nangunguna sa mga nanalo mula sa Star Music ang Himig Handog 2019 album, na tinanghal na Album of the Year at Compilation Album of the Year. Koleksyon ito ng mga awiting finalist sa Himig Handog songwriting competition ng ABS-CBN na bumibida sa husay sa pagsusulat ng kanta ng mga Pilipino mula sa iba-ibang panig ng mundo.

Ibinahagi ni ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo ang tagumpay na ito sa lahat ng naging bahagi ng proyekto.

“Akin pong ipinaaabot ang aming pasasalamat from ABS-CBN Music and I would just like to share this award sa lahat ng mga composers, finalists sa Himig Handog 2019. At sa lahat ng mga singers, interpreters na nagbigay ng kanilang talento upang bigyang buhay ang mga napakagagandang awitin sa Himig Handog 2019. Muli maraming, maraming salamat sa PMPC Star Awards for Music sa walang sawa niyong pagsuporta sa ating local music industry. Mabuhay ang musikang Pilipino and to God be the Glory,” aniya sa awarding ceremony na ipinalabas noong Oktubre 10.

Marami ring naipanalo ang isang awitin mula sa Himig Handog 2019, ang “Mabagal” nina Daniel Padilla at Moira Dela Torre. Matapos manalo sa kompetisyon, nagwagi uli ang komposisyon ni Dan Tañedo bilang Song of The Year at Collaboration of the Year naman sa Star Awards. Pinarangalan din si Daniel bilang Male Recording Artist of the Year dahil sa kanta.

Samantala, kinilala naman ang Idol Philippines finalist Lucas Garcia at grand winner na si Zephanie bilang New Male Recording Artist of the Year at New Female Recording Artist of the Year.

Humataw rin sa Star Awards ang international sensations na sina KZ Tandingan (Female R&B Artist of the Year – “Halik sa Hangin”), Inigo Pascual (Revival Recording of the Year – “Next In Line”), at Jake Zyrus (R&B Album of the Year – Evolution).

Panalo rin sina Ianna Dela Torre (Dance Recording of the Year – “Pinapa”) at Lara Maigue (Pop Album of the Year – Lara Maigue).

Para naman sa DNA Music, wagi bilang New Group Artist of the Year ang Three Two One at Novelty Artist of the Year si Cool Cat Ash. Novelty Song of the Year din ang awitin niyang “Mataba” habang Folk/Country Recording of the Year ang “Oryang” ni Davey Langit.

Bukod sa mga nagsipagwagi mula sa ABS-CBN Music, nanalo rin ang Kapamilya stars na sina Regine Velasquez-Alcasid (Female Recording Artist of the Year, Female Concert Performer of the Year), Sarah Geronimo (Female Pop Artist of the Year), at Lea Salonga (Concert of the Year – Perfect Ten).

Para sa news and updates sa ABS-CBN, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

5 Box Office Hits ng KathNiel, magkakaroon ng remake sa India

‘FPJ’s Ang Probinsyano’ Season 2 ipapalabas na sa Vietnam