in

‘Nonstop’ ni Sam Concepcion, balik-tanaw sa dalang energy ng live shows

Mataas na energy ang mararamdaman sa bagong kanta ng Absolute Performer na si Sam Concepcion na tinawag na “Nonstop” at inspired ng adrenaline rush na nararamdaman kapag nagpeperform siya sa live shows.

Si Sam mismo ang sumulat ng awiting mula sa Tarsier Records katulong ang label head at mainstay producer na si Moophs na nagkwentong ginawa nila ito halos dalawang taon na ang nakakalipas.

“We created this in 2019 at a time when he was doing lots of shows, so it came from that kind of energy,” ani Moophs.

Kwento rin ng “Nonstop” producer na nag-alangan si Sam na ilabas ang kanta noong una dahil na rin sa pinagdadaanan ng karamihan ngayon.

“But we managed to convince him that it’s a light-hearted, fun song which is what people need right now,” paliwanag ni Moophs. “We all miss the energy of live music, and hopefully, this song will bring people right back to that peak moment concert energy that Sam is so good at delivering.”

Sa paglulunsad ng “Nonstop,” tuloy-tuloy na muli si Sam sa paggawa ng musika. Sa katunayan, busy na siya sa pagbuo ng kanyang EP sa ilalim ng Tarsier Records na magbibida ng mas matured niyang tunog.

Last year, nakasama niya sina Eric Bellinger, Inigo Pascual, Moophs, Zee Avi, at Vince Nantes para sa cross-cultural single na “RISE.”

Pakinggan ang “Nonstop” ni Sam na available na sa iba’t ibang music streaming platforms. Para sa updates, sundan ang Tarsier Records sa social media accounts nito @tarsierrecords.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Piolo Pascual, Kapamilya pa rin, gagawa ng dalawang show sa ABS-CBN

Rhian Ramos, may trauma sa marriage proposal?