in

Mga komedyante, magpapasiklaban sa pagpapatawa sa ‘Laugh Laban’ sa FYE

Bagong comedy star na maghahatid ng saya sa mga Pinoy ang hinahanap sa online comedy competition na “Laugh Laban,” na mapapanood na sa FYE channel sa kumu simula Setyembre 24 (Biyernes),

Ang “Lakas Tawa” host at comedian-writer na si Alex Calleja ang magsisilbing host ng programa kung saan magpapasiklaban ang contestants sa paghahatid ng katatawanan.

Masayang ibinalita ni Alex ang proyekto sa kumu nitong Huwebes (Setyembre 9). Aniya, “May new show ako, may mananalo ng P100,000, and of course, may sisikat na komedyante!”

Bukas ang contest sa lahat ng amateur na komedyante 18 anyos pataas na pwedeng sumali bilang solo, duo, o grupo at may kakayahang makapag-perform online sa pamamagitan ng pagla-livestream.

Para makasali, kailangan lang mag-record ng two-minute video na nagpe-perform ng comedy—mapa-stand-up, improv, sketch, parody, o iba pa, at i-submit sa Jeepney TV website hanggang sa Setyembre 21 (Martes). Inaanyayahan din sila na mag-live tuwing 7 pm simula Biyernes (Sept. 10) gamit ang #LaughLaban hashtag o i-upload ang entries sa pamamagitan ng kumu klips gamit ang parehong hashtag.

Mula sa mga magq-qualify na entries, 20 na baguhang mga komedyante ang pipiliin base sa laugh factor, originality, at performance.

Papangalanan ang unang batch ng mga nakapasok sa top 20 sa episode ng “Laugh Laban” sa Setyembre 24 habang malalaman ang natitira pang nakapasok sa Oktubre 1. Ang mga kasama sa bawat batch ay kanya-kanyang magi-stream sa SeenZone channel sa kumu kung saan hinihikayat ang mga manonood na bigyan sila ng virtual gifts para tulungan silang makapasok sa top 12 na maglalaban-laban hanggang sa malaman na ang mananalo sa kompetisyon na tatanggap ng P100,000, magkakaroon ng kontrata sa ilalim ng FYE, at makakasama si Alex sa isang FYE show.

Humanda nang magpatawa online at sumali sa “Laugh Laban,” na mapapanood na sa FYE channel sa kumu kada Biyernes, 10PM simula sa Setyembre 24. I-download na ang kumu app at sundan ang @fyechannel (app.kumu.ph/fyechannel). Para sa iba pang detalye, sundan ang @fyechannel sa Instagram.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Awit Ng Misyon’ music video ni Jamie Rivera, inilabas na

Knowledge Channel videos, mapapanood na rin sa theAsianparent App