Isang malaking K-pop party ang mangyayari sa iWantTFC dahil ipapalabas nito ang mga dokumentaryong “The Rise of K-pop” at “BTS: Global Takeover” sa Pilipinas simula ngayong Setyembre 17, 10AM.
Bumili na ng ticket ngayon sa presyong P499 para back-to-back na mapapanood ang dalawang docu sa iWantTFC app o website (iwanttfc.com).
Sisiyasatin ng “The Rise of K-Pop” ang pagsikat ng Korean pop music at mga elemento nitong tinatangkilik ng milyon-milyong fans gaya ng nakaka-LSS na mga kanta, pinong choreography, at enggrandeng music videos na siyang ikinasikat ng iba’t ibang idol groups gaya ng BTS, Blackpink, iKON, EXO, VIXX, NCT, at G-idle.
Mae-enjoy naman ng mga Pinoy ARMY ang “BTS: Global Takeover,” kung saan sisilipin ang pinagmulan ng grupo at ang mga kabiguang hinarap nila bago makilala sa labas ng South Korea. Ngayon, BTS na ang maituturing na pinakamalaking boyband sa buong mundo, at sinubaybayan ng fans ang bawat galaw nila, mula sa performances, music videos, hanggang sa vlogs at posts nila.
Makakabili na ngayon ng ticket para mapanood ang dalawang documentaries sa halagang P499 lang sa iWantTFC app at website (iwanttfc.com). Magiging available ang palabas sa loob ng 48 hours pagkatapos itong bilhin.
Mapapanood din ang iWantTFC sa mas malaking screen sa piling devices gaya ng VEWD, ROKU streaming devices, Android TV, piling Samsung Smart TV models, Telstra TV (available lamang sa Australia) para sa users sa labas ng Pilipinas, at VIDAA para sa piling mga bansa. Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://iwanttfc.com/help#tfc-on-smart-tv.
Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWantTFC o sundan ang @iwanttfc sa Twitter at Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantTFC. Kung may mga katanungan naman, ipadala ang mga ito sa Facebook page ng iWantTFC o mag-e-mail sa [email protected].