in

LJ Reyes, nagbigay ng tips tungkol sa homeschooling habang naka-quarantine

Sinusulit ng Kapuso actress na si LJ Reyes ang kanyang oras para turuan ang anak na si Aki habang patuloy na pinapatupad ang lockdown sa Luzon. Sa katunayan, gumawa pa siya ng improvised ECQ schedule para sa anak na binahagi niya sa kanyang YouTube channel.

Aniya, “So naisip namin na i-share namin sa inyo kung ano ‘yung ginawa kong schedule for him this quarantine period. And actually, it’s already for his summer period this year. Ito ‘yung pinili naming schedule because there are things na gusto kong ma-improve ni Aki, especially dun sa comments ng teachers niya and more of the things na alam kong interests him.”

Dagdag pa ni LJ, mahirap gumawa ng lesson plans habang nasa bahay pero nirerekomenda pa rin niya ito sa mga nanay na katulad niya, “When you learn you become productive, wala naman school e. Might as well be productive right? Well for me naman, I really suggest you make your own schedule for your kids. Siyempre ‘di naman kailangan i-follow itong schedule namin ni Aki kasi siyempre this is more personalized and customized, and it suits him.”

Ayon kay LJ, pansamantala lamang ang schedule na ito ni Aki at aaralin pa rin niya ang development ng anak pagkatapos ng lockdown. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Netizens, enjoy sa El Nido vlog ni Katrina Halili

Mikee Quintos, may 1 million followers na sa TikTok