in

Netizens, enjoy sa El Nido vlog ni Katrina Halili

Kahit stuck at home ang karamihan dahil sa ipinatupad na enhanced community quarantine, pinaramdam pa rin ni Kapuso actress at Prima Donnas star Katrina Halili ang summer time nang ipasilip nito sa kanyang followers ang masaya nilang El Nido trip kasama ang anak na si Katie, pamilya, at kaibigan sa kanyang YouTube vlog.

Paliwanag ni Katrina sa dahilan nito na iupload ang vlog, “Since summer time at extended ang ECQ, miss natin lahat mag-beach and vacation. Share ko lang sa inyo itong El Nido trip namin last Halloween, hindi ko napost then.”

Natuwa naman ang netizens sa nakakaaliw at nakakatakam na vlog ni Katrina na hindi lang traveling kung hindi may pa-food trip din.

“Idol na idol kita since StarStruck pa. More vlogs po Miss Kat!”

Samantala, habang tigil muna sa taping ang mga teleserye, pansamantalang mapapanood ang Onanay kapalit ng Prima Donnas sa GMA Afternoon Prime.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Glaiza De Castro, naglabas ng saloobin tungkol sa kalagayan ng local entertainment industry

LJ Reyes, nagbigay ng tips tungkol sa homeschooling habang naka-quarantine