in

Julie Anne San Jose, may bonggang musical trilogy para sa fans

The secret is out! Matapos ang teasers na lumabas recently ay pormal na ngang ibinahagi ni Asia’s Pop Diva Julie Anne San Jose ang detalye para sa kanyang proyekto na “LIMITLESS, A Musical Trilogy.”

Sa kanyang post, sinabi pa ni Julie na one-of-a-kind project na maituturing ang nasabing musical trilogy. “I’ve never done this before and it’s something intimate and personal. I’m proud to say that this is a one-of-a-kind project. GMA Synergy, my team, and I tried to keep it a secret for quite a while, and now I want to share a piece of my heart in this journey with you.”

Matatandaang bumiyahe si Julie pa-Mindanao recently. Ito pala ay para sa LIMITLESS. Pero hindi lang daw Mindanao ang ie-explore ni Julie kundi pati ang mga naggagandahang lugar sa Visayas at Luzon.

Last Friday (July 30) nga ay inilabas na rin ang video para sa LIMITLESS na ibinahagi rin ni Julie sa kanyang Instagram account. Say pa ni Julie, “Unti-unti, napapakilala na namin ang proyektong ito. Isang paglalakbay sa pagkakakilanlan. And with every step, I learn more about myself. Walk with me.”

Talaga namang sunud-sunod ang mga proyekto ni Julie ngayong taon!

‘Ang LIMITLESS, A Trilogy’ ay produced ng GMA Synergy.

Available na ang tickets para sa “LIMITLESS, A Musical Trilogy” sa www.gmanetwork.com/synergy.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Lumahok at magtamo ng kaalaman sa Serye ng Webinar kaugnay ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2021

Songbayanan ng mga tsuper, nag-uwi ng P500k sa ‘Everybody, Sing!’