in

Sam Hashimoto umaasa sa posibilidad ng pag-ibig sa kantang ‘You’

Inilabas ng Asian-American singer-songwriter na si Sam Hashimoto ang kanyang R&B ballad na “You,” ang sarili niyang komposisyon tungkol sa pag-asang nararamdaman sa pagsisimula ng isang pag-ibig.

Hango raw ito sa mga tanong na pumasok sa isip niya nang magsimula siyang magka-interes sa isang tao. Kwento ng Hawaiian native na may dugong Korean-Chinese-Japanese, “It was at the very early stage and nothing too serious, but there was the lingering feeling of ‘what if?’ so I decided to take that inspiration and put it in song form.”

Inspired din ang “You” sa tunog raw soul na maririnig sa musika ng American singer na si Bruno Major, ayon kay Sam na nagwagi bilang Mr. Guam noong 2017. Maririnig sa kanta ang tunog ng piano sa simula na sinusundan ng percussion para ma-build up ang emosyong naramdaman ni Sam habang sinusulat ang awitin.

Bago maging recording artist ng Tarsier Records ng ABS-CBN, naging fitness trainer at commercial model si Sam nang naglagi siya sa Pilipinas simula 2018. Nakagawa rin siya ng dalawang kanta at nag-guest sa “ASAP Chillout” at “It’s Showtime.”

Pumatok naman ang naging cover niya ng “Akin Ka Na Lang” ni Morisette, na nagbigay-daan sa baguhang singer para matutunan ang Tagalog at kumonekta sa local audience.

Bukod sa pagtatanghal ng song covers, nais niya ngayon ang sumulat ng mga kantang tatagos sa puso ng music fans.

Pakinggan ang “You” sa paborito niyong streaming site at kilalanin pang higit si Sam sa pamamagitan ng kanyang YouTube channel (hashibobo). Para sa iba pang detalye, i-like ang star Facebook ((https://www.facebook.com/tarsierrecords) at sundan ito sa Instagram at Twitter (@tarsierrecords).

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Santino ng ‘Team Yey’ tampok sa ‘The Lion King’ musical abroad

Erich Gonzales at Janice de Belen, reresbakan na si Agot Isidro sa ‘La Vida Lena’