in

‘Marry Your Daughter,’ may bagong bersyon para sa mga Sri Lankan

Nagsanib-pwersa ang American music artist na si Brian McKnight Jr. at Sri Lankan singer-songwriter at producer na si Charin Mendes para sa “Marry Your Daughter (Aradhana),” isang Sinhalese version ng hit na kanta mula sa Tarsier Records ng ABS-CBN.

Dahil madalas na magkatrabaho simula pa noong 2017, sobrang excited sina Charin at Brian Jr. na i-release ang “Marry Your Daughter” sa Sinhalese, na isa sa mga national languages sa Sri Lanka. Nakuha ni Charin ang inspirasyon para sa bersyon na ito nang minsang um-attend sa kasal ng isang kaibigan niya.

“The lyrics on the first verse came together in my head almost instantly and I wrote it down on my phone. That set the tone and rhythm for the rest of the Sinhala lyrics which I wrote the next day,” aniya.

Swak na swak pa rin sa mensahe ng kanta tungkol sa isang lalaki na hinihingi ang kamay ng isang babae sa tatay nito para sa isang kasal ang localized title ng kanta na “Aradhana,” na nangangahulugang “imbitasyon mula sa tadhana para magsama habangbuhay ang dalawang tao.”

Umaasa si Charin, na may background din sa improvisation at audio engineering, na mas makaka-relate ang nasa 17 milyong Sinhalese speakers mula Sri Lanka sa bersyon na ito na may bagoring arrangement.

Bago ang Sinhalese version, nag-release din si Brian Jr. ng electrosoul version ng kanta noong 2020 na ipinrodyus ni Tarsier Records label head Moophs, na meron nang 14 milyong streams.

Pakinggan ang “Marry Your Daughter (Aradhana)” sa Spotify, Apple Music, Deezer, Tidal, at iba pang digital music platforms. Para sa updates, sundan ang Tarsier Records sa socials media accounts nito @tarsierrecords.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Charlie Dizon at Jameson Blake, malakas magpakilig sa ‘My Sunset Girl’ sa iWantTFC

ABS-CBN, may handog na music video para sa mga ‘Kapamilya Forever’