in

‘Options’ album ni Inigo Pascual hatid ang OPM sa global stage

Ibinabandera ni Inigo Pascual ang tatak Original Pilipino Music (OPM) sa kanyang kauna-unahang international album na “Options” na naririnig na worldwide tampok ang 12 solo acts at collaborations na may temang self-discovery ng isang binatang hinaharap ang endless choices sa mundo.

“It’s about all the things you go through especially as a young adult na may maraming decisions na dapat gawin at options na dapat i-consider,” kwento ni Inigo sa ginanap na #OptionsTheAlbum global media conference. 

Sa pagnanais ng ABS-CBN Music na ipakilala ang OPM sa buong mundo, hindi nagpapigil ang album para maibida ang boses ni Inigo sa iba’t ibang genre tulad ng dance-pop, island pop, dancehall, R&B, reggae, at acoustic at maghatid ng kwento ng pag-ibig.

Sa loob ng dalawang taon ng paghahanda para sa proyekto, nadiskubre rin ni Inigo ang kanyang unique sound, na maririnig sa island pop songs niya tulad ng isa sa paborito niyang kanta sa album na “Danger” na kolaborasyon niya kasama ang Common Kings at si DJ Flict.   

Aniya, “Ito ‘yung tipo ng vibe na gusto kong subukan talaga. I feel like nahanap ko na ang tunog ko through this album.”

Samantala, isa namang pop R&B track ang carrier single ng album na “Neverland,” tungkol sa pagnanais manatili sa fantasy ng unknown na mula sa global hit producer na si Bernard “HARV” Harvey. Kasunod ng paglabas ng album ang premiere ng inaabangang “Neverland” music video.

Tampok rin sa album ang ilang collaborations ni Inigo kasama ang Tarsier Records founder and label head na si Chris Lopez o mas kilala sa pangalang Moophs. Kasama rito ang hit single na “Catching Feelings,” “Lost,” at ang bahagi ng Top 100 Songs of 2020 ng Apple Music na “Always.”

Ilan pa sa mga kanta sa album ang title track na “Options,” “Love U Right,” “Should Be Me,” First Impressions,” “Not Him,” “Ride,” at “OMW (Stripped)” na ginawa rin niya katulong ang iba’t ibang songwriters at producers mula sa Pilipinas at Amerika.

Mapapakinggan na ang “Options” album sa major streaming platforms worldwide. Mapapanood naman ang “Neverland” music video sa YouTube channel ni Inigo. Para sa updates, sundan ang Tarsier Records sa mga social media accounts nito @tarsierrecords.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Shaira Diaz at Myrtle Sarrosa, makikisaya ngayong Linggo sa ‘Game of the Gens’

DA HU!? Netizens naiinis sa talent management na hinayaang mapariwara ang mga lalaking talents