in

ABS-CBN News, may dalawang finalist sa SOPA Awards 2021

Pasok bilang finalists sa Society of Publishers in Asia (SOPA) Awards 2021 ang dalawang ulat ng ABS-CBN News tungkol sa mga Pilipinong nagsusumikap habang hinaharap ang hirap na dulot ng pagputok ng bulkang Taal at pagkalat ng COVID-19 sa bansa.

Isang koleksyon ng mga kwento ng pag-asa mula sa mga komunidad sa Batangas at Cavite ang digital special na “TAAL: Through Eruption and Pandemic,” na finalist sa kategoryang Excellence in Journalistic Innovation (Regional).

Samantala, tungkol sa isang tsuper na nawalan ng hanapbuhay dahil sa lockdown ang “Pangarap ni Chito: Kuwento ng jeepney driver na naninirahan sa nakaparadang jeep” na finalist naman sa kategoryang Excellence in Video Reporting (Regional).

Base sa Hong Kong ang SOPA Awards na nagsimula noong 1999 bilang pagpupugay sa kahusayan sa pagbabalita sa tradisyunal at bagong midya. Mga batikang indibidwal ang sumusuri sa mga entry mula sa iba-ibang news organization sa Asya, kabilang ang ABS-CBN News na dati na ring nanalo sa SOPA.

Iaanunsyo ang mga nagwagi ngayong taon sa Huwebes (Hunyo 24) ng 7 pm sa YouTube page ng SOPA.

Tunghayan ang mga finalist sa SOPA Awards 2021 mula sa ABS-CBN News sa https://news.abs-cbn.com/specials/through-eruption-pandemic at sa https://news.abs-cbn.com/news/multimedia/video/08/06/20/pangarap-ni-chito-kuwento-ng-jeepney-driver-na-naninirahan-sa-nakaparadang-jeep.

Para sa iba pang balita, i-follow ang @abscbnnews sa Facebook at Twitter o bumisita sa news.abs-cbn.com o ABS-CBN News YouTube channel. Para sa Kapamilya updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bumisita sa www.abs-cbn.com/newsroom<http://www.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Alden Richards, wish na makilala ang kanyang special someone ngayong taon

Kyline Alcantara at Mavy Legaspi, pasok sa cast ng ‘I Left My Heart in Sorsogon’