in ,

Kyline Alcantara at Mavy Legaspi, pasok sa cast ng ‘I Left My Heart in Sorsogon’

Sasabak na sa kanilang unang teleserye bilang magka-loveteam sina Kyline Alcantara at Mavy Legaspi para sa upcoming GMA series na ‘I Left My Heart in Sorsogon’ na pinagbibidahan nina Heart Evangelista, Richard Yap, at Paolo Contis.

Kabilang sina Kyline at Mavy sa cast na dumalo sa storycon ng programa ngayong araw. Excited na ang dalawa sa kanilang pagtatambalan na serye at sa mga makakatrabaho nila sa magiging lock in taping sa Sorsogon.

Samantala, matunog ngayon sa social media ang usaping nagkakamabutihan na sina Mavy at Kyline.

Sa Instagram story ni Mavy nitong Lunes ay may binahagi siyang eksena mula sa bagong music video ni Darren Espanto kung saan makikitang nakangiti si Kyline at may caption na “Tama na. Akin na muna siya.”

Mas umingay pa ang usap-usapan nang i-post ni Mavy ang larawan ng isang mystery girl na nakangiti at labas ang dimples, “her. her smile. her dimples. yup, that’s the post.”

Dahil sa post ng binata, bumuhos ang panunukso mula sa kanyang fellow celebrities tulad nina Rayver Cruz, Rita Daniela, Andre Paras, Juancho Trivino, at pati na ang kapatid niyang si Cassy Legaspi.

Matatandaan na sa isang previous interview ay nabanggit ni Mavy na nais niyang makatrabaho si Kyline sa kanyang first teleserye.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

ABS-CBN News, may dalawang finalist sa SOPA Awards 2021

Jerry Yan at Shen Yue, todo Ang pagpapakilig sa ‘Count Your Lucky Stars’ finale week