in

Darryl Yap may bagong comedy-drama movie ‘Gluta’

Mula kay Darryl Yap, ang writer-director ng blockbuster movie na “Jowable”, at Vivamax original movies na “Paglaki ko, Gusto ko Maging Pornstar”, “Tililing”, at “Ang Babaeng Walang Pakiramdam”, parating na ang pelikulang “Gluta”, ang comedy-drama movie na tiyak na “relatable” sa maraming manonood, Ipalalabas ito sa Vivamax simula July 2, 2021. Ito ay pinagbibidahan ni Ella Cruz, ang mahusay na Viva talent na nagwagi bilang 2019 Cinemalaya Best Supporting Actress.

Tatakbo ang kwento ng “Gluta” sa isang katutubong Aeta na nangangarap maging isang beauty title holder.

Simula noong bata pa lang siya, nilalait na siya ng mga tao dahil sa angkin niyang kulay, ngunit sinabi niya sa sarili na kahit ganoon ang kulay niya, maganda siya at papatunayan niya sa mundo na mananalo siya sa isang beauty contest.

Sa paaralan ni Angel ay magaganap ang Miss University pageant. Dahil sa isang masamang balak, papasok ang pangalan ni Angel bilang representative ng Miss Tourism. Para tuluyang masira si Angel, gagamitin ni Lovely si Bambino—ang crush ni Angel para saktan ito.

Habang hinahamak siya ng mga tao, lalo namang ipagmamalaki ni Angel ang kanyang sarili. Magfo-focus ito sa Miss University pageant kung saan masusubok ang kanyang kumpyansa sa sarili.

Excited si Ella Cruz sa proyektong ito dahil ito ang unang pelikula niya kasama si Darryl Yap bilang direktor at marami itong mahahalagang lekyon tungkol sa totoong kulay ng kaligayahan. Maraming humahanga kay Ella sa kanyang mga talento at marami siyang followers kaya naman siguradong tatatak ang papel niya sa “Gluta”.

Si Bambino ay gagampanan ni Marco Gallo, dating Pinoy Big Brother housemate, na isa na ngayon sa mga heartthrobs ng Viva. Ito ang ikalawang pelikula nina Ella at Marco matapos ang thriller movie na ipalalabas pa lamang.

Kasama sa “Gluta” si Juliana Parizcova Segovia bilang Uncle Goliath, na sekretong gumagamit ng glutathione at kabahagi ng LGBT. Si Rose Van Ginkel ang gumaganap bilang si Lovely, at mahalaga rin ang papel ni Cristina Gonzales bilang guro ni Angel na nagsabing hindi siya maaaring maging anghel sa isang palabas dahil sa kulay ng kanyang balat.

Panoorin ang “Gluta” ngayong July sa Vivamax. Mula sa twisted mind ni Darryl Yap, saksihan kung paano ipakikita ng pelikula ang mahalagang mensahe na “Walang kulay ang kaligayahan.”

Mag-subscribe na sa Vivamax sa web.vivamax.net. Maaari ring mai-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store at App Store o bumili ng Vivamax vouchers sa Shopee at Lazada. Watch all you can na sa halagang P149 kada buwan o P399 para sa tatlong buwan para sulit na sulit. Vivamax, atin ‘to!

Mapapanood rin ang “Gluta” sa Vivamax Middle East! Sa ating mga kababayan sa UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, at Qatar, watch all you can na for only AED35/month. Vivamax, atin ‘to!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Pepito Manaloto: Kuwentuhan Muna Tayo,’ mapapanood na ngayong Sabado

Dingdong Dantes, naging parte ng San Beda cheerleading squad