in

‘Pepito Manaloto: Kuwentuhan Muna Tayo,’ mapapanood na ngayong Sabado

Walang dapat ikalungkot ang fans ng award-winning family sitcom na ‘Pepito Manaloto’ dahil tuluy-tuloy lang ang paghahatid ng saya ng Manaloto family tuwing Sabado!

Matapos umere ang pinag-usapang season finale ng ‘Pepito Manaloto: Kuwento, Kuwento’ noong nakaraang Sabado, may good news na nag-aabang sa fans dahil may inihandang bagong kahuhumalingan ang show.

At ngayong Sabado, samahan muna sina Pepito (Michael V.) at Elsa (Manilyn Reynes) na balikan ang ilang episodes ng comedy show sa “Pepito Manaloto: Kuwentuhan Muna Tayo.”

Siguradong magiging sulit ang weekend ng loyal fans at viewers ng programa sa episodes na itatampok dito. Kaya naman, tumutok muna sa “Pepito Manaloto: Kuwentuhan Muna Tayo,” ngayong Sabado, 6:15PM, sa GMA-7.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Set ng ‘Voltes V: Legacy,’ talagang pinaghandaan!

Darryl Yap may bagong comedy-drama movie ‘Gluta’