in

Matteo Guidicelli, tuloy na sa ‘Pedro Penduko’

Mukhang tuloy na tuloy na nga si Matteo Guidicelli bilang bagong ‘Pedro Penduko,’ kapalit ng nagback out na dating Viva Artist Agency talent na si James Reid. Susunod si Matteo sa mga nauna nang gumanap na ‘Pedro Penduko’ na sina Efren Reyes, Sr. (1954), Ramon Zamora (1973,1974) at Janno Gibbs (1994, 2000) at si Matt Evans naman sa telebisyon na inere ng ABS-CBN noong 206-2007.

Balita nga naming sa November na magsisimula ang production ng ‘Pedro Penduko’ na pamamahalaan ng writer-director na si Jason Paul Laxamana, pumalit sa dating naatasang magdirek na si Treb Monteras.

Kung si Nadine Lustre ang napiling maging si ‘Maria Makiling’ noong si James Reid ang napiling ‘Pedro Penduko,’ baka naman mapagbigyan na si Sarah Geronimo ang gumanap dito ngayong si Matteo na ang bagong ‘Pedro Penduko.’ Hindi naman malayong mapagbigyan dahil parehas naman na silang artista ng Viva Artists Agency.

Ilan sa mga balitang makakasama ni Matteo Guidicelli sa ‘Pedro Penduko’ ay sina Empoy Marquez, child star na si Alonzo Muhlach.

Written by Catri Onay

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Super Tekla, kailangang ilaglag ang ‘Jowables’ para ipromote ang kanyang movie?

Action-Drama Queen Angel Locsin, papalitan ng Queen of Pinoy Soap Opera Judy Ann Santos