in

Jake Zyrus relate sa bagong kanta, mental health gustong ayusin

Napapanood na ngayon sa Apple Music at Star Music YouTube channel ang music video ng bagong kanta ni Jake Zyrus na “Fix Me,” na sadyang malapit sa puso niya dahil sa pagnanais niyang i-‘fix’ ang sariling mental health.

“Nakapersonal sa akin ng kanta na kung minsan I would be asking my partner, ‘do I deserve love?’ I still feel that especially pag nati-trigger ako at everytime I sing ‘Fix Me’ or hear it, nakaka-relate talaga ako,” kwento niya.

Excited din siya na iparinig muli ang tunog pop R&B kung saan siya nakilala dati at ang falsetto voice niya pagkatapos ng matagal na pahahon ng kanyang transition.

Aniya, “I started as a pop R&B singer so naisip ko it’d be nice na magrelease ng kantang may tunog na familiar na sa mga makikinig.”

Ramdam ang matinding emosyon ni Jake sa “Fix Me” MV na talaga namang world-class ang dating at may bonus dance moves pa mula sa international singing sensation. Si Edrex Clyde Sanchez ang nagdirek ng video sa ilalim ng production ng ECS Films.

Nito lang buwan inilabas ng ABS-CBN Music International ang kantang “Fix Me” ng Kapamilya singer at naging bahagi ito ng New Music Friday Philippines playlist ng Spotify at Absolute OPM at New in POP playlist ng Apple Music.

Bigatin ang mga sumulat ng nasabing awitin na mula pa sa Grammy-winning composer na si Kenneth Mackey, Swedish singer-songwriter na si Andreas Moss, at American record producer na si Joshua Bronleewe.

Iprinodyus naman ito ng Filipino-American musical director na si Troy Laureta na kamakailan lamang ay ni-nominate ni Jake para sa Inspiration List ng Good Morning America sa pagdiriwang ng Asian American and Pacific Islander Heritage Month.

Samantala, nakasungkit na naman ng isa pang gold award ang documentary na “Jake and Charice” ng NHK Japan sa Hamburg 2021 World Media Festivals para sa kategoryang Inclusion and Diversity. Kwento ng docu ang coming out journey ni Jake bilang isang transman.

Panoorin ang “Fix Me” music video at patuloy na pakinggan ang single sa iba’t ibang music streaming services. Para sa iba pang detaye, i-like ang Star Music sa Facebook (www.facebook.com/starmusicph), at sundan ito sa Twitter at Instagram (@StarMusicPH).

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Ayra Mariano, miss na ang tawanan sa set ng ‘Heartful Cafe’

Coco Martin, sasabak sa gyera dahil kay Richard Gutierrez sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’