in

Concerts nina Martin Nievera, Lani Misalucha, Darren Espanto, at Jayda Avanzado, ipalalabas sa iWantTFC

Siksik sa mga kaabang-abang na palabas ang iWantTFC ngayong Mayo at Hunyo dahil mapapanood dito ng mga Pinoy kahit saang bahagi ng mundo ang pinakahinihintay na digital concerts at bagong Pinoy movies.

Sayawan at kantahan ang hatid ni Darren Espanto sa digital concert niyang “Home Run” ngayong Mayo 30 ng 8 PM at Mayo 31 ng 10 AM (Manila time). Pwede nang bumili ng tickets sa halagang P699 para sa subscribers na nasa Pilipinas o US$14.99 naman para sa ibang bansa.

Sanib-pwersa naman sina Martin Nievera at Lani Misalucha para sa kanilang “New Day” virtual concert na gaganapin sa Hunyo 6 ng 11 AM at 8 PM (Manila time). Makakasama rin nila sina Rey Valera, Nonoy Zuniga, at Marco Sison at available na rin ang tickets sa halagang P1,200 o US$24.99.

Makakabili na rin ng tickets (P499 o US$10.99) para sa “Jayda in Concert” ni Kapamilya singer-songwriter Jayda sa kauna-unahan niyang major concert sa June 26 ng 8 PM, na may re-run sa Hunyo 27 ng 10 AM (Manila time).

May bagong Pinoy movies din na mapagpipilian ngayong Mother’s Month sa halagang P250 o US$4.99. Makakabili na ngayon ng tickets para sa “Momshies: Ang Soul Mo’y Akin” nina Karla Estrada, Jolina Magdangal, at Melai Cantiveros na ipapalabas simula Mayo 28, habang kasalukuyan namang napapanood ang “Mommy Issues” nina Sue Ramirez, Pokwang, at Gloria Diaz.

Kasalukuyan namang napapanood sa iWantTFC ang tambalan nina Diego Loyzaga at AJ Raval sa “Death of a Girlfriend” sa halagang P250 o US$4.99. May horror movies din na “The Ghosting,” tampok si Andrea Brillantes, at “Santigwar” na pinagbibidahan nina Alexa Ilacad, Marco Gallo, at Marlo Mortel na parehong available sa halagang P99 o US$1.99.

Available naman sa subscribers sa Pilipinas hanggang Mayo 31 ang “Dito at Doon” nina Janine Gutierrez at JC Santos sa halagang P350, pati na ang “Death of Nintendo,” “Oda sa Wala,” at “Motel Acacia” gamit ang “Black Pack” promo ng Black Sheep sa halagang P300.

Huwag palampasin ang mga pelikula at concerts na ito sa iWantTFC app (iOs and Android) o pumunta sa iwanttfc.com. Mapapanood din ang iWantTFC sa mas malaking screen sa piling devices gaya ng VEWD, ROKU streaming devices, Android TV, piling Samsung Smart TV models, Telstra TV para sa users sa labas ng Pilipinas, at VIDAA para sa piling mga bansa. Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://iwanttfc.com/help#tfc-on-smart-tv.

Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWantTFC o sundan ang @iwanttfc sa Twitter at Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantTFC. Kung may mga katanungan naman, ipadala ang mga ito sa Facebook page ng iWantTFC o mag-e-mail sa [email protected].

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Tekla, bibigyang-buhay ang kwento ni ‘Tubig Queen’ sa #MPK

Mga kanta nina Julie Anne San Jose at Ruru Madrid, pasok sa ‘Ballad International’ playlist ng Spotify