in

‘Game KNB?’ bukas para sa mga nangangarap maging co-host ni Robi Domingo

Triple ang saya, kaalaman, at mga sorpresa sa pagbabalik ng “Game KNB?” para sa third season nito sa Pinoy community platform na kumu (@gknb) na mapapanood din nang sabay sa Jeepney TV.

Level up ang pambansang game show sa mas malaking papremyo, mas mahihirap na challenges para sa host na si Robi Domingo, at pagkakataon para sa mga gustong maging host sa bagong campaign na ‘GKNB Mag-co-host with Robi?.’

Sa pamamagitan ng pagli-livestream sa kumu at pangongolekta ng Game KNB virtual gifts mula sa mga manonood nila, may tyansa na ang kumunizens na maging co-host ni Robi sa loob ng dalawang lingo.

Bukod dito, ang mangunguna sa leaderboard ay itatampok din bilang co-host of the week ng “Game KNB?” sa kumu social TV Instagram account at magiging guest sa isang FYE Channel show at makakatanggap ng iba pang exclusive perks.

Ang iba pang makakapasok sa top 10 ay makakatanggap din ng premyo gaya ng official kumu merchandise. Magtatapos sa April 30 (Biyernes) ang unang campaign period, habang mula May 15 hanggang May 28 naman ang ikalawang campaign period.

Samantala, paghahatian ang P10,000 cash prize ng mga qualified participants ng ‘Pili-Pinas’ segment na makakasagot ng tama sa limang trivia-based questions. Automatic nang matatanggap ng mga mananalo ang premyo sa kanilang kumu wallets.

Pwede ring manalo ang mga manonood sa ‘Robi, Game KNB?’ segment sa pagsagot sa Question of the Day na manggagaling sa masayang challenge na gagawin ni Robi kada episode.

Kailangan lang hintayin ang ise-send na emoji ng official “Game KNB” kumu account sa comments section ng stream bago i-post ang sagot sa tanong. Ang unang tao na makakasagot ng tama ay mananalo ng 10,000 kumu coins tuwing Lunes hanggang Huwebes, habang 50,000 kumu coins naman ang makukuha ng mananalo kada Biyernes.

Tumutok na sa #GKNBSeason3 Lunes hanggang Biyernes, 12 NN sa @gknb kumu, o panoorin ang simulcast nito sa Jeepney TV sa cable, Facebook page ng Jeepney TV, TFC IPTV, o myx Global, at mag-umpisa nang mangolekta ng Game KNB virtual gifts para manalo sa ‘GKNB Mag-Co-Host with Robi?’ campaign!

Para sa updates, sundan ang ABS-CBN PR sa Facebook (www.facebook.com/abscbnpr), Twitter at Instagram (@abscbnpr) o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Gabby Eigenmann, gaganap na psychotic husband sa ‘#MPK’

LOOK: Gabbi Garcia, nagsimula ng community pantry sa Parañaque