in

LOOK: Gabbi Garcia, nagsimula ng community pantry sa Parañaque

Sa isang Instagram post kahapon, ipinakita ng Kapuso star na si Gabbi Garcia ang kanilang bayanihan spirit sa pagset-up ng isang community pantry sa Parañaque City. 

Inspired mula sa sunud-sunod na pag-usbong ng community pantries at carts sa iba’t ibang mga barangay, naisipan ng aktres at ng kaniyang pamilya na ipagpatuloy ito para sa mga nangangailangan sa kanilang lugar.

“Posting this with nothing but pure and good intentions 🤍 this is to inspire everyone that despite of the situation, we can all help each other in our own little way,” ayon kay Gabbi.

Nagpasalamat din si Gabbi sa lahat ng nagpaabot ng kanilang donations at hinihikayat niya ang lahat ng kayang tumulong na makilahok sa mga ganitong proyekto habang patuloy ang pakikipaglaban ng lahat sa pandemya. 

https://www.youtube.com/watch?v=5yigOkbaKHM

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Game KNB?’ bukas para sa mga nangangarap maging co-host ni Robi Domingo

Piolo Pascual at Regine Velasquez, muling magpapakilig sa premiere ng ‘Paano Kita Iibigin’ sa Sagip Pelikula Festival