in

Baguhang artists na sina Khimo at Dotty, sanib-pwersa sa kantang ‘Where the Sun Goes’ kantang inspired ng lockdown, inilabas na

Nagsama ang baguhang mang-aawit na si KHIMO at rapper na si Dotty para maghatid ng kwentong lockdown sa kantang “Where The Sun Goes” na inilabas ng Old School Records ng ABS-CBN.

Unang napanood ang singer-songwriter na si KHIMO sa “Tawag ng Tanghalan” season 3 bilang contestant pati na rin sa “Your Moment” kung saan bahagi siya ng duo na tinawag na Binary.

Samantala, si Dotty na dating kilala bilang marc ay Pinoy rapper na ipinapanganak sa UAE at naglabas ng kanyang “poster boy” EP noong nakaraang taon. Kamakailan ay naging bahagi na siya ng Tarsier Records at naglunsad ng collab song kasama si Subzylla na may titulong “regardless.”

Ang awiting “Where The Sun Goes” ay sumisimbolo sa nararamdaman ng isang tao pagsapit ng gabi. Base ito sa karanasan ng songwriter na si Nhiko Viktor habang nasa community quarantine noong Mayo 2020. Nadagdagan naman ito ng rap part ni Dotty na nagtatalakay sa hirap ng paglaban sa ‘demons’ na nararamdaman tuwing panahon ng kadiliman.

Isa ang “Where The Sun Goes” sa mga bagong kantang hatid ng Old School Records na isang ABS-CBN Music label na nagbabalik ng tunog ‘70s, ‘80s, AT ‘90s na may makabagong twist.

Mapapakinggan na ang ”WhereThe Sun Goes” nina KHIMO at Dotty sa iba’t ibang music streaming services. Para sa iba pang music updates, sundan ang Old School Records sa Facebook, Twitter, and Instagram.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Tuloy-tuloy ang best concert performances ngayong Summer sa ‘ASAP Natin ‘To’

Katrina Halili at Shayne Sava, ikinuwento ang ‘di malilimutang ‘kilig’ moments