in

Topper Fabregas, proud na napasama sa soundtrack ng ‘The Lost Recipe’

Naipamalas ni Kapuso actor Topper Fabregas ang kanyang singing talent sa GMA Public Affairs series na ‘The Lost Recipe’ at super proud siyang napasama ang boses niya sa soundtrack nito na maganda ang natatanggap na feedabck mula sa publiko.

“When they asked me if I wanted to sing one of the love themes of TLR, akala ko at first nagbibiro yung mga producers haha. I don’t really get the chance to sing a lot and I was just flattered to be thought of. Ang cute rin ng concept na yung cast kasama din sa OST,” kuwento ni Topper na unang nakilala sa entablado bilang isang theater actor.

Ginagampanan ni Topper ang character na Alfredo Legazpi sa romance-fantasy series na pinagbibidahan nina Mikee Quintos and Kelvin Miranda. First acting break niya kung maituturing ang pagiging bahagi niya ng The Lost Recipe mula nang maging Kapuso siya.

Ayon pa kay Topper, nagandahan na agad siya sa “No Matter What it Takes” nang una pa lang niya itong narinig. Kasama niya sa pag-awit ng nasabing kanta si Kapuso OST Princess Hannah Precillas.

“I really liked the song the first time I heard it and na-LSS ako to the max so I knew mag-co-connect siya with people. But never expected that it would be this big. I’m so proud of the song and the whole soundtrack. Ang ganda ng curation ng songs!”

Marami nga ang nagagandahan sa soundtrack ng The Lost Recipe. Ilan lang sa mga awiting kasama rito ay ang theme song ng serye na “Tumatakbo” na hit song ng bandang Mojofly; “Pinag-Isa” ni Crystal Paras; “Aabutin” ni Jennifer Maravilla; “Tama Ba o May Tama Na” ni Paul Sala; at “Walang Makapipigil” ni Arra San Agustin.

Abangan ang nalalapit nang pagtatapos ng The Lost Recipe sa GTV, 8:50 p.m.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘The Boobay and Tekla Show,’ wagi sa Best Choice Awards

Kyline Alcantara: Self-love is real love