in

COVID-19 specials, mapapanuod ngayong Sabado sa GMA Network

Marami mang regular na TV programs ang hindi muna umeere, pinupunan naman ito ng special episodes na konektado sa kinakaharap natin sa ngayon. Pagkatapos nga nating mapanuod ang personal na pakikibaka ni Howie Severino bilang COVID-19 patient noong nakaraang linggo, handog muli ng GMA Public Affairs ang dalawang COVID-19 specials ngayong Sabado, April 25.

Ang travel and wildlife program na Born to Be Wild, ipakikita ang mga beterinaryong patuloy pa rin sa pag-aalaga sa mga hayop sa “Vets on Call: ECQ” episode nito sa ganap na 3:15 pm. Habang tayo ay nasa bahay, ang Born to be Wild hosts at veterinarians na sina Doc Ferds Recio at Doc Nielsen Donato ay walang-alinlangang tumugon sa mga emergency call upang sagipin ang buhay ng ilang pets sa gitna ng pinatutupad na enhanced community quarantine. 

Kasunod naman nito ang “COVID-19: The Unseen” special presentation ng Reporter’s Notebook sa ganap na 4:05 pm. Ipasisilip naman nina Maki Pulido at Jun Veneracion ang mga nangyayari sa isang medical facility sa Metro Manila. Tampok din ang kuwento ng mga healthworker, na gaya nilang mga mamamahayag, ay kinakailangang isakripisyo ang pag-aalaga sa kanilang mga anak sa ngayon.

Ang mga ganitong palabas ang nagpapakita ng epekto ng COVID-19 sa iba’t ibang aspeto ng ating buhay. Kaya naman sana ay gawin natin ang ating parte at manatili sa loob ng bahay kung di naman talaga kailangang lumabas. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Gabby Concepcion, ipinasilip sa fans ang farm sa Batangas

‘Dobol B sa News TV,’ tatlong taon na!