Muling kinilala ang ABS-CBN dahil sa maayos na pamamalakad nito sa kumpanya kasama ang iba pang mahuhusay na organisasyon sa Pilipinas sa ginanap na ASEAN Corporate Governance Scorecard (ACGS) Golden Arrow Awards noong ika-19 ng Pebrero.
Tulad noong 2018, tanging ang ABS-CBN lang ang media company sa mga organisasyong pinarangalan para sa kanilang magandang pamamalakad base sa isinagawang ACGS noong 2019.
Ang ACGS ay ginagamit sa anim na bansa na kasapi ng Association of Southeast Asian Nations upang suriin at palakasin ang pamamahala at pagpapatakbo sa mga “publicly-listed” na kumpanya sa Pilipinas, Indonesia, Malaysia, Singapore, Thailand, at Vietnam. Tinitignan
Tinitignan nito ang mga karapatan at pagtrato sa shareholders, ang pagiging bukas at tapat ng organisasyon, mga responsibilidad ng board, at iba pa ng mga kumpanya.
Maliban sa ABS-CBN, pinarangalan din sa Golden Arrow Awards and ibang kumpanya ng Lopez Group. Ito ang Lopez Holdings Corporation at First Gen Corporation.
Isinasagawa ang ACGS Golden Arrow Awards ng Institute of Corporate Directors, isang organisasyong may layuning gawing propesyunal ang pamamalakad sa mga kumpanya sa bansa.
Para sa updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.