in

Bugoy Drilon, ramdam ang pagsubok ng pag-ibig sa bagong music video

Hatid ni Bugoy Drilon ang kwento ng pag-ibig na mala ‘you and me against the world’ sa music video ng “Tied,” ang song collaboration niya sa music producer na si Moophs.

Bagamat futuristic ang dating ng MV tampok ang mala-alien na ecosystem, bida rito ang dalawang taong nagmamahalan na kinailangang lumayo sa isa’t isa.

Ayon sa writer ng MV na si Dale Reciña mula sa YouMeUs studio, mapapanood sa MV ang pagsubok ng dalawang tao mula sa magkaibang mundo na sinusubok ayusin ang puwang sa pagitan nila.

Alinsunod din ito sa mensahe ng kanta na ayon kay Bugoy ay naglalahad ng emosyong nararamdaman kapag hindi na nasusuklian ang pagmamahal ng isang tao. Masakit daw aniya ito pero kailangang kumapit sa pag-asang may dahilan kaya nangyari ito.

Ang awiting “Tied” na inilunsad lamang ng Tarsier Records noong nakaraang buwan ay nagtatampok ng lovers rock genre, isang uri ng reggae music. Nagdebut ang kanta bilang no.1 sa Wave 89.1 D10 countdown noong Enero 15. Halos 300,000 na rin ang streams nito sa Spotify.

Panoorin ang ”Tied” official music video sa YouTube channel ng Tarsier Records. Para sa updates, sundan ang Tarsier Records sa social media accounts ito (@tarsierrecords).

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Kapamilya personalities mula buong bansa, sanib-pwersa sa paghahatid ng saya online sa MOR Entertainment

Bagong channel ng Kapuso, inaabangan na!