in

Music video ng single ni Garrett Bolden, umantig ng mga puso

Pinusuan ng netizens ang official music video ng latest single ng Kapuso Soul Balladeer na si Garrett Bolden na ‘Our Love’ sa ilalim ng GMA Music.

Tampok ang Kapuso artists na sina Jenzel Angeles at Jon Lucas, may nakakaantig na kuwentong dala ang music video na tungkol sa wagas na pagmamahalan ng dalawang tao hanggang sa dulo, paghiwalayin man sila ng kapalaran. 

Umani ng positive reviews ang awitin ni Garrett mula sa netizens dahil marami ang naka-relate sa mensaheng dala nito. Ang ilan ay nagbahagi pa ng kanilang personal experiences sa comments section.

Kuwento ng isang netizen, “Hindi ko namalayan umiiyak na ‘ko. Sobrang namimiss ko na ‘yung dapat kasama ko ngayong valentines. We were together for eight years and we were about to be married, sadly two weeks before our wedding day, God needed another angel. Ang hirap isipin because we had our lives ahead of us, but I’ll be looking for you in our next life. I’m missing you terribly.”

Panoorin ang official music video ng ‘Our Love’ sa YouTube channel ng GMA Music. Mapapakinggan din ito sa Apple Music, Spotify, at iba pang digital streaming platforms worldwide! 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Bagong virtual dating game show na ‘MYX and Match,’ malapit nang mapanood sa Kumu

Kapamilya personalities mula buong bansa, sanib-pwersa sa paghahatid ng saya online sa MOR Entertainment