in

Juris Fernandez, nanda nang mag-set ng ‘Hearts on Fire’ sa kanilang ‘YouTube Music Night’ Digital Concert

Pangungunahan ng dalawa sa pinakamagagaling na mang-aawit ng ABS-CBN na sina Juris at Jed Madela ang ikalawang “YouTube Music Night” sa Southeast Asia sa kanilang back-to-back Valentine’s digital concert na “Hearts On Fire: Juris and Jed” ngayong Sabado (Pebrero 13).

Mapapanood ang libreng digital concert sa YouTube channel ng ABS-CBN Star Music, MOR, MYX, at One Music, at mapupuno ng musika, pag-ibig, at mga kwento na siguradong tatagos sa puso ng mga manonood sa buong mundo.

“The show will be very personal and the songs will tell stories of our personal experiences na I’m sure makaka-relate lahat. When we came up with the lineup of songs, ‘yung pinaka-goal namin is to make people realize na everybody goes through these phases of love,” ani Jed.

Bukod sa tagos-pusong performances, layunin din daw ng concert na makapaghatid ng mensahe ng pag-asa pagdating sa pag-ibig ayon kay Juris. “Hopefully sa mga awiting maririnig nila, you will also sense sa kwento ng mga kanta, even from what we’ll share to you, that there’s always hope in the end pagdating sa pag-ibig.”

Kaabang-abang sa concert ang bersyon ni Jed ng “Paubaya” ni Moira Dela Torre at ang classic ‘hugot’ song ni Juris na “’Di Lang Ikaw,” pati na ang iba pang mga awiting tatalakay sa pag-ibig.

Dagdag-excitement naman ang dala ng mga special guest sa virtual event na sina Ice Seguerra at Markki Stroem, pati na ang Kapamilya music artists na sina Miguel Odron, Trisha Denise, at FANA. Sina Edward Barber at Samm Alvero ang magho-host sa concert.

Sinundan ng “Hearts On Fire: Juris and Jed” ang matagumpay na staging ng “Love Jona” noong Pebrero 6, na kauna-unahang “YouTube Music Night” sa Southeast Asia sa pangunguna ng YouTube Philippines at produksyon ng ABS-CBN Music.

Ipagdiwang ang pag-ibig at panoorin ang by “Hearts On Fire: Juris and Jed” sa “YouTube Music Night” ngayong Sabado (Pebrero 13), 8pm at 9pm (PH time) sa YouTube channel ng ABS-CBN Star Music, MOR, MYX Philippines at One Music.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘PBB Housemates,’ nominado lahat pagkatapos ma-evict ni Kyron Aguilera

Ulirang Guro 2021, bukás na!