in

JM Bales at KVN, umiskor ng viral hit sa kantang ‘Magandang Dilag’

Masayang-masaya ang dating “Tawag ng Tanghalan” contender na si JM Bales at bagong singer na si KVN sa tagumpay ng TikTok-trending na kanta nilang “Magandang Dilag” na ini-release noong 2020 sa ilalim ng Star Pop.

Parehong proud sina JM at KVN dahil marami raw itong binuksan na pinto para sa kanila bilang performers. Sa kasalukuyan ay meron na itong 1.8 million streams sa Spotify.

“I really prayed na bigyan ako ng hit song. Na-overwhelm ako kasi ‘yung anxiety ko before, nawala. I’m so happy and thankful,” ani JM.

Ayon naman kay KVN, in-expect na niya na magiging hit ang kanta nang marinig niya ang demo nito. “Nag-open po ito ng a lot of opportunities for me as a singer and as a newcomer, so I’m happy na nakukuha ng ‘Magandang Dilag’ ang well-deserved na recognition.”

Isinulat ang viral Star Pop hit ng multi-awarded singer-songwriter na si Kiko “KIKX” Salazar at unang narinig sa Miss Universe Philippines pageant nitong 2020. ‘Dream come true’ daw para kay Kiko bilang songwriter na mag-viral sa TikTok ang kanta nila.

“Gusto kong ibigay ‘yung credit kay Mama J [Jonas Gaffud] kasi galing talaga sa kanya ‘yung buong idea ng kanta. Sabi niya, ‘This time, gusto ko ng pop song and ayaw ko ng tensiyonado ‘yung girls ‘pag naglalakad sila, kaya dapat bubbly pop song,’” aniya.

“Nung sinusulat ko ‘yung kanta, naglaan talaga ko ng kalahating araw para makinig ng mga lumang Kundiman para malaman ‘yung totoong tunog ng harana. Lyrically mararamdaman niyo na parang tula siya kasi gusto kong ibida ang ganda ng Pilipina,” dagdag niya.

Bukod sa “Magandang Dilag,” ipinrodyus din ni Kiko ang kantang “Over The Universe” na kinanta ni Jessica Sanchez at “Kalawakan” na inawit ni KVN para sa kauna-unahang Miss Universe PH pageant. Noong November 2020, inilabas niya ang kanyang “After Dark ‘Final Hour” EP bilang selebrasyon ng ika-10 taong anibersaryo niya sa music industry.

Yakapin ang gandang Pilipina at pakinggan ang “Magandang Dilag” nina JM at KVN sa YouTube, Spotify, at iba pang digital music streaming platforms. Para sa iba pang detalye, sundan ang Star Pop sa Facebook (www.facebook.com/starpopph) at Instagram (@starpopph).

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Born To Be A Star’ magbabalik na sa TV5

Chef Jose Sarasola, natupad na ang pangarap na cooking show