in

Alden’s Reality, record-breaking!

Hanggang ngayon ay lubos ang pasasalamat ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards sa matagumpay na 10th anniversary celebration niya via “Alden’s Reality: The Virtual Reality Concert (AR).”

Record-breaking nga ang nasabing handog ni Alden sa kanyang mga tagasuporta here and abroad dahil ang AR ang kauna-unahang virtual reality concert dito sa Pilipinas. Marami mang naunang virtual concert, si Alden pa lang ang nakagawa ng may virtual reality component.

Mabilis ang fans sa pag-secure ng tickets para sa concert kaya naman di kataka-takang sold-out ang AR na napanuod sa tatlong timeslots noong December 8 at 9. Top trending topic din ang hashtag na “AldensReality” sa Twitter Philippines.

Hindi nabigo ang mga nanuod dahil isang ‘virtual date’ ang binigay ni Alden sa kanila. Mula sa paggising ba naman ni Alden ay kasama na niya ang concertgoer at may pa tour pa sa loob mismo ng kanyang bahay. May front-row seat din ang ‘date’ ni Alden sa mga song at dance numbers na inihanda niya. Marami rin ang na-touch sa pagbabalik-tanaw ni Alden sa kanyang journey as an artist sa loob ng isang dekada.

Congrats ulit, Alden!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Kapamilya stars, hinirang bilang Most Influential Celebrities sa Edukcircle Awards

Sheena Halili, thankful sa safe delivery ni Baby Martina