in

Primetime shows ng ABS-CBN, binasag muli ang kani-kanilang all time high viewership records

Bukod sa pagtatala ng panibagong online live viewership record, hindi naman nawawala sa trending list ng iba’t ibang social media sites ang tatlong serye ng ABS-CBN dahil sa dekalibreng aktingan ng mga bida nito, pati na ang mga makapigil-hiningang mga eksena.

Nagtala ng panibagong all-time high online viewership records ang tatlong primetime shows ng ABS-CBN nitong Lunes (Setyembre 11) sa Kapamilya Online Live sa YouTube.

Sinubaybayan ng viewers ang panibagong yugto ni Tanggol (Coco Martin) sa “FPJ’s Batang Quiapo” na nakakuha ng all-time high record na 478,297 live concurrent viewers. Sa naturang episode, nasilayan ang unang pagkikita nina Tanggol at Bubbles (Ivana Alawi) habang natuloy na rin ang kasal nina Mokang (Lovi Poe) at Ramon (Christopher De Leon).

Hindi naman natatapos ang hitik na hitik na action scenes sa “The Iron Heart” na nakasungkit naman ng 451,538 peak concurrent views matapos simulan ni Apollo (Richard Gutierrez) ang kanyang misyong itakas ang tunay na amang si Priam (Albert Martinez) mula kay Menandro (Ian Veneracion).

Samatala, umabot naman sa 152,702 live concurrent views ang “Senior High” kung saan isinambulat na ni Archie (Elijah Canlas) ang katotohanan na ang tatay niyang si Harry (Baron Geisler) ang tunay na ama ni Sky (Andrea Brillantes). Sa kabilang banda, tuloy-tuloy pa rin ang paghahanap ng ebidensya ni Sky sa tunay na dahilan ng pagkamatay ng kanyang kambal.

Bukod sa pagtatala ng panibagong online live viewership record, hindi naman nawawala sa trending list ng iba’t ibang social media sites ang tatlong serye ng ABS-CBN dahil sa dekalibreng aktingan ng mga bida nito, pati na ang mga makapigil-hiningang mga eksena.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Bagong yugto trailer of ‘FPJ’s Batang Quiapo,’ nakakuha ng mahigit 10 milyon online views sa ilalim ng 24 oras

Bretman Rock, Manila Luzon, ibang Fil-Am celebs, sinuportahan ang Hollywood premiere ng ‘A Very Good Girl’ nina Kathryn Bernardo at Dolly de Leon