in

Karen Davila, itatampok ang Millennial Couple na naging Milyonaryo dahil sa pagbenta ng bike sa ‘My Puhunan’

Makikilala ni Karen ang millennial couple na sina Aiko at Sherwin Grabillo na ngayon ay self-made millionaires dahil sa pagbebenta ng bike at e-bike. Ibabahagi nina Aiko at Sherwin kay Karen ang kanilang pagsisimula sa pagbebenta ng mga piyesa gamit ang hiniram na bisikleta hanggang sa tuluyan na nilang napalawak ang kanilang negosyo.

Mapapa-”sana all” ang mga manonood dahil sa mga ‘couple goals’ na magbabahagi ng kwento ng pag-ibig at tagumpay kina Karen Davila at Migs Bustos sa “My Puhunan” ngayong Sabado (Oct 14).

Makikilala ni Karen ang millennial couple na sina Aiko at Sherwin Grabillo na ngayon ay self-made millionaires dahil sa pagbebenta ng bike at e-bike. Ibabahagi nina Aiko at Sherwin kay Karen ang kanilang pagsisimula sa pagbebenta ng mga piyesa gamit ang hiniram na bisikleta hanggang sa tuluyan na nilang napalawak ang kanilang negosyo.

Bilang paraan ng pagbabalik, nagbibigay din sina Aiko at Sherwin ng isang bisikleta kada buwan sa isang karapat-dapat na estranghero. Sa Oktubre, ibabahagi ng mag-asawa ang kanilang blessing sa netizen na si Cristina Iral na nagkomento sa Facebook page ng “My Puhunan.”

Samantala, itatampok ni Migs sina Abdullah at Maha, isang mag-asawang Muslim na ginamit ang kanilang husay sa pagluluto para magbenta ng chicken biryani gamit lamang ang 500 pesos bilang kanilang kapital.

Huwag palampasin ang mga nakakatuwang kwento ng tagumpay sa “My Puhunan: Kaya Mo!” kasama sina Karen Davila at Migs Bustos sa bago nitong timeslot tuwing Sabado ng 5:00 pm sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, news.abs-cbn.com/live, at iba pang ABS-CBN News online platforms.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Paulo Agudelo, nagbalik tanaw sa ‘Alon Ng Pag-Ibig’

‘Senior High,’ available na nang libre at on-demand sa US ,Canada, Europe, Middle East, at Australia