in

‘The Iron Heart’ cast, masaya sa taos pusong suporta ng mga manonood

Maraming Salamat sa suporta ng manonood, ABS-CBN, at Star Creatives. We all worked hard for this, and we happy to announce that we are ending ‘Iron Heart’ on a high note.”

Labis ang pasasalamat ng cast ng “The Iron Heart” sa pangunguna ni Richard Gutierrez sa patuloy na pagtaas ng kanilang viewership na humigit na sa 400,000 live concurrent views at palagi nilang pagtre-trend sa social media kasabay ng kanilang nalalapit na pagtatapos.

Sey ni Richard, “We are very happy na tumagal ng ganito ang “The Iron Heart” Patuloy ang pagtaas ng views at pagsubaybay ng manonood. We started in an uphill battle, against all odds, and yet nandito kami ngayon ina-announce ang last three weeks after one year of doing this project. Maraming Salamat sa suporta ng manonood, ABS-CBN, at Star Creatives. We all worked hard for this, and we happy to announce that we are ending ‘Iron Heart’ on a high note.”

Proud naman si Jake Cuenca na sa kabila ng kanilang kinaharap na pagsubok ay nagbunga naman ang kanilang pinagtrabahuhan.

“We had a humble start and nag-climb and climb ang show. Sa tuwing nakakakita ako na tumataas ung views, nakaka-proud kasi we really worked hard for that,” saad ni Jake.

Sa nalalabing mga araw, mas lalo pa raw dapat kapitan ang serye dahil sinisiguro nilang ikakagulat ng manonood ang mga pasabog nilang eksena.

“We shot the tail end of the show and natuwa rin kami sa ending ng show. Expect fireworks, and we are going to give our best. I think it is going to surprise a lot of people,” sabi ni Richard.

Mula noong inilunsad ang serye, labis na sinubaybayan ng manonood ang journey ni Apollo (Richard) kaya naman umabot na sa lampas 600,000 milyon views ang serye sa lahat ng social media platforms.

Umani rin ng maraming papuri ang mga eksena at stars ng serye dahil sa pagpapalabas nito ng hitik na hitik na aksyon scenes na pwedeng makipagsabayan sa ibang bansa at ang pagsulong nito ng women empowerment sa pagpapakita na kaya rin makipagsabayan ng kanilang babaeng karakters sa umaatikabong fight scenes.

Sa nalalapit nitong pagtatapos, isang digmaan nga ang dapat abangan sa pagitan ng Tatsulok at Altare.

Tunghayan din kung paano pa rin pipiliin ni Apollo ang mas ikakabuti ng marami habang pinipigilan ang kasamaan ni Eros.

Abangan ang huling dalawang linggo ng “The Iron Heart,” tuwing Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng “‘Batang Quiapo” sa A2Z, TV5, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC IPTV.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Darren Espanto, ‘bibitaw na?’

‘Honesto’ star Raikko Mateo, ipinamalas ang galing sa motorbike racing sa ‘Tao Po’