in

Victoria Tulad and vlogger Jessica Lee become restaurant services for a day in ‘Tao po’

Bernadette, muling makakapiling ang isang beneficiary ng Lingkod Kapamilya

Kakaibang ‘collab’ ang ipapakita ng ABS-CBN reporter na si Victoria Tulad at ang “Your Korean Ate” vlogger na si Jessica Lee dahil magiging restaurant servers o waitress sila for a day para maranasan ang mga pagsubok ng mga minimum wage earner sa “Tao Po” ngayong Linggo (Setyembre 10).

Bibigyan ng reality-show treatment ang segment, kung saan haharapin nina Victoria at Jessica ang ilan sa mga problemang araw-araw na nararanasan ng mga server upang makita ng viewers paano nila ito malalagpasan. Alinsunod din ang naturang segment sa content ng vlog ni Jessica na nagpapakita na sinusubukan niya ang iba’t ibang hanapbuhay tulad ng pagiging barker at construction worker.

Isa ring emosyonal na reunion ang itatampok ngayong Linggo sa muling pagkikita nina Bernadette Sembrano at Sedrick Ocampo, dating Lingkod Kapamilya beneficiary na nagkaroon ng ruptured appendix. Ngayon, isa ng malusog na 23 anyos si Sedrick na may ambisyong maging doktor upang matulungan ang mga batang may malubhang karamdaman.

Samantala, bibisita naman si Kabayan Noli de Castro sa isang private farm na may mga exotic na hayop na pagmamay-ari ni Gino Salom, isang businessman na dating nangarap na magkaroon ng sarili niyang mga alagang hayop. Sa farm ni Gino, makikita ng viewers ang kanyang mga alagang reptiles, ibon, tigre, at isang multi-million peso na aso. Ibabahagi rin ni Gino kay Kabayan ang kanyang plano na buksan ang farm para sa publiko.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Pamilya Cosme nagsama-sama muli para ipagdiwang ang Philippine Film Industry Month

Jericho Rosales, magpapabilib sa Monday drama ng Cinema One ngayong Setyembre