in

GMA Network, umaariba sa TikTok

Pumalo sa 298.3 million views ang naitala ng @gmanetwork para sa nasabing buwan.

Hindi lang sa TV ratings naghahari ang GMA Network dahil namamayagpag din ito sa iba’t ibang digital platforms gaya ng TikTok na tambayan ngayon ng maraming Gen Z. Batay sa datos ng TikToktainment, ang official TikTok account ng GMA na @gmanetwork ang nanguna sa may pinakamaraming content views sa lahat ng entertainment creators sa bansa nitong July.

Pumalo sa 298.3 million views ang naitala ng @gmanetwork para sa nasabing buwan. Dahil sa witty captions, nakakaaliw na choice of clips, at very timely posting, talaga namang patok na patok sa TikTok users ang mga content nito. Ilan lamang sa mga most viewed video ay ang trending clips ng Abot-Kamay na Pangarap, Voltes: V Legacy, Royal Blood, at Magandang Dilag.

Congratulations, GMA!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Pagmamahal sa pamilya, namayagpag sa ‘CIA with BA’

Celebrities suportado si Rhea Tan sa 14th anniversary celebration ng Beautéderm